Dahil sa Agosto natin ipinagdidiriwang ang Linggo ng Wika, naisip ko na marapat at dapat i-promote ang mag sineng Pinoy na napanood at na-enjoy.
1. Magnifico
Nakakaiyak. Sobra.
2. May Minamahal
Isa sa mga "langit ka at lupa lang ako" na kwentong pag-ibig. Si Aiko, maliban sa cute, marunong umarte.
3. Kung Ako Na Lang Sana
Ang matalik na kaibigan, pwede bang maging kasintahan? Isinasagot nina Shawie at Aga dito.
4. Pusong Mamon
Laugh trip. Matagal ko nang crush itong si Lorna Tolentino. Dito, di lang sya maganda––sya'y nakakatawa.
5. Tanging Yaman
Si Johnny Delgado... panalo! Kung lumaki ka sa Going Bananas, di mo maisip na mahusay umarte itong si Manong Johnny, pero dito, isa sya sa mga umaagaw eksena.
6. Dekada '70
Magandang libro, magandang sine.
7. Bagong Buwan
Kung wala kang alam sa problema sa Muslim Mindanao, panoorin mo 'to.
8. Kristina Moran... Babaeng Palaban
Isa sa pinakanakakatawang sine––sa wikang Ingles o Pilipino––na napanood ko. Si Rosanna Roces, di lang sexy––siya'y magaling magpatawa.
9. Crying Ladies
Patunay na di mo kailangan ng special effects para gumawa ng matinong palabas.
10. Imelda
Mahusay na dokyu. Dapat panoorin ng mga Pinoy na di pa pinanganak nung Martial Law.
No comments:
Post a Comment